Posted: Mon Dec 29, 2008 4:25 am Post subject: PEP: 'Praise God!' Rufa Mae Quinto says of Hayden Kho's deni
MANILA, Philippines – "Praise God!" ang naging reaksiyon ni Rufa Mae Quinto nang malaman nito na absuwelto siya sa alleged sex-video scandal nila ni Dr. Hayden Kho.
Ikinatuwa nang husto ni Rufa Mae ang balita na nagsalita si Hayden kay Lhar Santiago ng 24 Oras at pinabulaanan niya (Hayden) ang balita na may sex video sila ng mga babae na inili-link sa kanya, at pinagbibintangan na ugat ng pagkabuwag ng three-year-old relationship nila ni Dr. Vicki Belo.
Inamin ni Rufa Mae na na-upset siya sa pagkakadamay ng kanyang pangalan sa breakup nina Hayden at Dr. Belo. Nakakaramdam na si Rufa Mae ng awa sa sarili dahil madalas na nasasangkot ang kanyang pangalan sa mga kontrobersiya na wala siyang kinalaman.
Pinaninindigan ni Rufa Mae na inosente siya at posibleng nagsimula ang isyu dahil sa panunukso ni DJ Mo Twister sa kanilang dalawa ni Hayden nang mag-guest ito noon sa "Showbiz Central." Nag-apologize na si DJ Mo kay Rufa Mae sa pamamagitan ng isang text message noong Linggo, December 21. Ipinangako ni Rufa Mae na sasagutin nito at ilalabas ang kanyang tunay na nararamdaman sa darating na Linggo, December 28, sa Showbiz Central.
Current inspirtation
Kung matindi ang pagtanggi ni Rufa Mae na nagkaroon sila ng relasyon ni Hayden, nagliliwanag ang kanyang mukha kapag napag-uusapan si Jon Avila, ang kapareha niya sa "Status: Single," ang pelikula na co-production nila ng Viva Films.
Naging close sina Rufa Mae at Jon habang ginagawa nila ang "Status: Single." Ipinagtapat ni Jon na noong bagong dating siya sa Pilipinas, ang "Bubble Gang" ang unang local TV show na kanyang napanood at naging instant crush niya si Rufa Mae na mainstay ng nabanggit na gag show.
Reportedly, si Jon ang current inspiration ng sexy actress. Inililihim ni Rufa Mae ang madalas na paglabas nila ni Jon kaya nagulat siya nang malaman niya na ang baguhang aktor ang nagkuwento tungkol sa kanilang mga date.
Sinabi ng mga kaibigan ni Rufa Mae na ipinagdarasal nito na si Jon na sana ang tipo ng lalake na ipagkakaloob sa kanya ng Diyos. Marami raw magagandang katangian si Jon na gustung-gusto ni Rufa Mae, tulad ng pagiging disente at galing mula sa isang mabuting pamilya.
You cannot post new topics in this forum You cannot reply to topics in this forum You cannot edit your posts in this forum You cannot delete your posts in this forum You cannot vote in polls in this forum You cannot attach files in this forum You cannot download files in this forum